Nananatili pa rin na sarado ang Akiki Trail ng Mt. Pulag sa Kabayan, Benguet pagkatapos masira ang ranger station nito sa nangyaring lindol noong Hulyo.
Sa interview ng Bombo Radyo, sinabi ni Emerita Albas, Park Superintendent ng Mt. Pulag National Park, ang Tawangan Trail, Ambangeg Trail at Ambaguio Trail lamang ang bukas sa mga turista.
Iginiit pa niya na sapat naman ang mga porters na magbubuhat ng mga gamit ng mga turista gayundin ang mga homestay na pwede nilang tirhan pansamantala.
Binanggit pa ni Albas na mayroong 400 na bisita ang kanilang natatanggap tuwing weekend.
Dagdag pa niya na na puno na ang reservation ngayong buwan lalo na sa araw ng Sabado na kadalasang kinukuha ng mga bisita.
Para naman sa mga nagnanais na umakyat sa nasabing bundok lugar nitong susunod na buwan ay bukas na ang reservation noong Oktubre 1 hanggang Oktubre 31.
Magsisimula na rin ang reservation period sa Nobyembre 1 hanggang Nobyembre 30 para sa mga nais namang umakyat sa buwan ng Disyembre. Mahigpit din na pinaalala ni Albas na bago magtungo sa nasabing pasyalan ay kailangan ng vaccination card at medical certificate.
Sa pamamagitan nito ay maiwasan ang nagdaang insidente kung saan dalawa ang namatay habang umaakyat sa Mt Pulag