BAGUIO CITY- Paparalangan ngayong araw ng Philippine Military Academy ang mga cavaliers ng mga ito sa kanilang Alumni Homecoming.
Kabilang sa mga mapaparangalan ay sina Cavalier Dominggo Palisoc Jr, ng PMA class 1984 na binigyan Parangal for Oustanding Performance in Command and Administration; si Cavalier Benjamin Madrigal Jr. ng PMA class 1985 ang oustanding performance in Command Administration; at si Cavalier Robert Arevalo ng PMA class 1985 ang oustanding performance in staff functions.
Matatanggap naman ni Cavalier Ronald Anthony Go ng PMA Class 1985 ang outstanding accomplishment in Private Enterprise; si Cavalier Eugenio Boquio ng PMA class 1992 bilang oustanding performance in Army Operations; Cavalier Dennis Guillermo para sa oustanding performance in special operations; at si Cavalier Jonnel Estomo ng PMA class of 1992 bilang oustanding performance in police operations.
Kabilang pa sa kanila sina Cavalier Juario Marayag ng PMA class 1993 para sa oustanding performance in Naval Operations; si Cavalier Loreto Pasamonte ng PMA class 1993 para sa oustanding perfomance in Air Operations; at si Cavalier Hostilo Arturo Cornelio ng PMA class 1995 para sa oustanding perfomance in Coastguard operations.
Samantala, matatanggap naman ni Cavalier Rodolfo Biazon ng PMA class 1961 ang lifetime achievement award.
Maalalang una nang sinabi ni Cavalier Melchor Rosales ang Chairman ng Philippine Military Academy Alumni Association Incorporated na piniling mabuti ang mga binigyan ng parangal.
Ang mga pangunahing criteria aniya ng isang Cavalier awardee ay ang kakaibang skills, leadership at dapat ay nanatili ang mga katangiang mayroon ang PMA katulad ng courage, loyalty at integrity.