Matagumpay ang una at ikalawang araw ng National Fire Olympics na kasalukuyang isinasagawa dito sa lungsod ng Baguio partikular sa Melvin Jones Grandstand.
Nasa 1,600 na miyembro ng Bureau of Fire Protection, Community Fire Auxiliary Groups, Fire volunteers at Industrial brigade mula sa ibat-ibang lugar sa bansa ang dumating sa lungsod para sa tatlong araw na aktibidad.
Nagsimula ito kahapon, Marso dise nuebe sa pamamagitan ng pagsindi sa torch ng National Fire Olympics at magtatapos ito bukas, Marso baente uno.
Ang National Fire Olympics ay isa sa mga highlights ng Fire Prevention Month Celebration ng Bureau of Fire Protection.
Ito ay taunang kompetisyon ng mga firefighting at rescue disciplines sa bansa.
Maitamtampok dito ang ibat-ibang aktibidad gaya ng rescue simulations, firefighting relays, high-level ropemanship ken Battle of the Bands.
Ayon kay Fire Director Louie Suralta Puracan, hepe ng Bureau of Fire Protection, kakaiba ang National Fire Olympics ngayong taon dahil kasama na ang mga volunteer groups.
Idinagdag pa ni Puracan na layunin din ng naturang programa na pahusayin ang kapasidad ng Bureau of Fire Protection at mga volunteers sa pagtugon sa iba’t ibang emerhensiya.
Aniya, malaki ang kontribusyon ng mga boluntaryong grupo sa pagtugon sa mga insidente ng sunog kaya’t kinakailangang madagdagan ang kaalaman ng mga ito hinggil sa mga fire emergencies.
Matatandaan na nagsimula ang National Fire Olympics noong 2015 sa National Capital Region at taon-taon na itong ginaganap sa ibat-ibang bahagi ng bansa.