BAGUIO-Inilunsad ni Secretary William Dar ang dalawang programa na makakatulong sa mga magsasaka sa rehiyon Cordillera at pagpapasigurado sa food security sa mga produkto ng mga magsasaka.
Ayon kay Secretary Dar, isa sa mga programa niya para sa mga magsasaka dito sa rehiyon ay ang usapang nila ng Department of Agriculture at Benguet Agri-Pinoy Trading Center sa La Trinidad Benguet kung saan ito ang huling pagpipilian nila na pagbentahan ng mga produkto ng mga magsasaka kung magkakaroon ng oversupply o hindi na mabibili ang mga gulay sa La Trinidad Trading Post.
Sinabi niya na ang nasabing paraan ay makakatulong para malutas ang food security sa bansa at mabili ang mga oversupply na gulay para hindi malulugi ang mga magsasaka.
Bukod dito, sa dalawang programa ni Dar ay ang paggawa ng Food Processing Center sa La Trinidad Benguet sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng Bureau of Agricultural Reseacrh sa DA at Benguet State University na may halagang P20 million.
Ang nasabing halaga ay inaprobahan ni secretary Dar para sa nasabing food processing facility para maidagdag sa Benguet Agri-Pinoy Trading Center (BAPTC).
Dagdag niya na ang nasabing programa ay isang paraan ng pag-imbento at makapagbago ng food preservation at makikita kung paano makareserba ang sobrang suplay ng gulay sa lokalidad o dito sa rehiyon Cordillera.