BAGUIO CITY – Nakahanda na ang delegasyon ng lungsod ng Baguio na tutungo sa Cebu para sa gaganaping Philippine National Games 2018 sa May 19- 25.
Ayon kay Baguio City Sports Coordinator Guadencio Gonzales, aabot sa 210 na mga atleta at coaches ang bubuo a Team Baguio.
Aniya, ang nasabing kompetisyon ang kinikilalang national olympics ng Pilipinas at ito ang pinakasikat sa lahat ng mga sporting events ng Philippine Sports Commission.
Sinabi niya na aabot sa 11 na mga laro ang lalahukan ng Team Baguio kabilang na ang athletics at iba’t-ibang combative sports.
Dinagdag nito na may mga kategorya din na lalahukan ng mga atletang PWDs.
Inaasahan pa nila na magkakampeon na ang City of Pines ngayong taon kasunod ng pagkamit ng Team Baguio ng ikalawang pwesto noong nakaraang taon.