Inihayag ng tatlong dating mahistrado ng Supreme Court na hindi direktang naaangkop sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ang Avelino v. Cuenco ruling.
Ayon kina dating Chief Justice Reynato Puno, Associate Justice Adolfo Azcuna at Chief Justice Hilario Davide Jr., ang naturang kaso ay tumalakay sa quorum sa Senado at hindi sa kinakailangang boto para mahatulan ang isang opisyal sa impeachment.
Iginiit ni Azcuna na iba ang probisyon sa 1935 Constitution, kung saan ibinatay ang Avelino case, kumpara sa 1987 Constitution na siyang umiiral ngayon.
Samantala, sinabi ni Davide na maaaring magsilbing persuasive value ang Avelino case, habang sinabi ni dating Chief Justice Artemio Panganiban na maaari itong ikonsidera kasama ng iba pang mga naunang desisyon ng Supreme Court.
