[erratum] According to OCD-Cordillera, there are 2 dead and 2 injured in the Cordilleras due to monsoon rain after validation of DILG. Incident in Besao, Mt. Province is not related to the weather.
BAGUIO CITY — Patay ang dalawang katao habang dalawa naman ang sugatan sa patuloy na nararanasang moonsoon rains sa Cordillera region.
Sa Baguio City, patay ang dalawang katao matapos matabunan ng gumuhong lupa sa isang construction site sa Sandico St., Salud Mitra Brgy.
Nakilala ang mga ito na sina Engr. Patrick Lachika, project engineer ng itinatayong condominium at ang HR officer na si Hannah Jean Aragon.
Sa impormasyong nakuha ng Bombo Radyo Baguio, nagmimeryenda raw ang naturang mga biktima nang biglang gumuho ang lupa sa paligid ng contruction site patungo sa kanilang barracks.
Samantala, nasa ligtas naman ang kalagayan ng isang ama matapos matabunan ng gumuhong riprap sa kanilang bahay sa Loakan proper, Baguio City.
Nakilala ang biktima na si Joshua Calvez Valencia, 24, residente ng Purok Magsaysay, Loakan proper, Baguio City.
Batay sa report ng pulisya, inaayos daw ng biktima ang riprap sa kabilang bahay nang biglang bumigay ito.
Agad namang sumaklolo ang kanyang kasama at nagtulong-tulong din ang mga pulis at ilang miyembro ng Bureau of Fire Protection ng Baguio upang mahukay ang mga bato.
Dahil sa malakas na impact ay nabali ang kanyang isang paa.
Sa kabilang dako nilianw naman ng Office of Civil Defense Cordillera, na ang pagkamatay ng isang lalaki sa Besao Mt. Province ay walang kinalaman sa hagupit ng habagat.
Nakilala ang biktima na si David Apaling, tubo at residente ng Besao, Mt. Province.