Pitong panchon sa Barangay San Luis, Baguio City ang posibleng maapektuhan sa patuloy na pagtatayo ng pitong palapag na pasilidad ng bilangguan.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Barangay Captain Rodolfo Ligligon, kasalukuyang pinoproseso ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang mga kinakailangang dokumento bago ilipat ang mga apektadong pamilya. Naitala na rin ang kanilang mga pangalan upang maabisuhan ang kanilang mga kaanak bago isagawa ang pormal na hakbang.
Nilinaw ng kapitan na hindi maaapektuhan ang iba pang residente dahil sapat ang lawak ng lupang pagtatayuan ng proyekto.
Samantala, nananatili umanong suliranin sa barangay ang ilegal na droga. Aminado si Ligligon na may naiuulat pa ring mga transaksyon ng ipinagbabawal na gamot, batay sa impormasyong nakararating sa kanya.
Anya, may mga nagaganap umanong bentahan sa kalsada habang sakay ng sasakyan at maging sa loob ng sementeryo ng barangay. Posible rin umanong hindi residente ng lugar ang mga sangkot.










