Ilang indibidwal, kabilang ang isang senior citizen, ang nasugatan sa sunog sa isang three-storey building sa Holy Ghost Extension, Baguio City, ngayong gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection-Baguio, nangyari ang sunod pasado alas-sais ng gabi sa kanilang himpilan na agad naman nilang nirespondehan.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Barangay Kagawad Eliseo Tadiam, ang nasabing building ay ginagamit bilang family house at boarding house kung saan ang basement at ang unang palapag ng bahay ang nasunog.

Ayon kay Tadiam, may mga naapektuhan sa nasabing sunog kabilang na ang isang babaeng senior citizen na umano’y nakaranas ng suffocation na agad ding dinala sa pagamutan. Kinukumpirma na rin ng mga otoridad kung may iba pang indibidual na nasaktan na nasabing sunog.
Ilang kagamitan naman, kabilang ang alahas at cash, ang naisalba ng mga awtoridad mula sa nasabing building.
Idineklara namang under control ang sunog alas-7:10 at fire out alas-7:16.
Inialok naman ng barangay ang barangay hall bilang pansamantalang matutuluyan ng mga apektadong boarder.
Sa kabilang dako, inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing sunog.










