--Ads--
BAGUIO CITY– Na-promote ang 96 na empleyado ng Department of Agriculture (DA)-Cordillera.
Ayon kay Dr. Lorenzo Caranguian, dating regional director ng nasabing ahenysa, nararapat lamang ang promotion sa mga nasabing empleyado sapagkat ilan sa mga ito ay matagal nang naninilbihan sa ahensya.
Aniya, ilan sa mga ito ay naghintay pa ng 20 na taon bago sila na-promote.
Tiniyak naman niya na naaral nang mabuti ang pagbibigay ng promosyon sa mga nasabing indibidwal.
Sinabi pa niya na isa din ito sa mga alaalang iiwan niya sa DA- Cordillera matapos niyang ipasa ang key of responsibility kay regional director Dr. Narciso Edillo kahapon.