--Ads--
BAGUIO CITY-Hinihiling ng Baguio City Social Welfare and Development Office ang pakikiisa ng publiko para mabantayan ang lunsod laban sa mga magsasagawa ng caroling o yaong mga namamasko ng maaga.
Ayon kay Development Officer Betty Fangasan, kahit malayo pa ang Pasko ay marami na naman ang mga maglilibot sa mga barangay ng lungsod upang humingi ng pamasko.
Sinabi niya na dapat agad maireport sa mga barangay hall ang presensya ng mga nasabing indibidwal upang makapagsagawa ng tamang hakbang ang mga kinauukulan.
Iginiit ni Fangasan na wala pang mga indibidwal ang binigyan nila ng permit para mag-caroling o humingi ng Pamasko kaya’t kailangan ng mahigpitan ang monitoring sa mga ito upang hindi sila umabuso.