BAGUIO CITY – Patay ang dalawang big time drug suspect matapos silang makipagbarilan sa mga agent ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Lamut-Beckel Road, La Trinidad, Benguet, kaninang madaling araw.
Batay sa report, nagsasagawa ng surveilance operation ang mga pulis at sinundan nila ang sinakyan ng mga suspek hanggang sa nasabing kalsada.
Gayunman, nahalata ng mga suspek na sila’y sinusundan ng mga otoridad kaya’t nagpaputok sila ng baril.
Ayon sa pulisya, gumanti sila at nagpaputok din sila ng baril na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang suspek.
Narekober ng mga operatiba sa mga suspek ang 19 pakete ng shabu, dalawang baril at iba pang kontrabando habang walang plaka ang ginamit nilang sasakyan.
Naisailalim sa otopsiya ang bangkay ng mga suspek at inaalam pa ng PDEA at pulisya ang identity ng mga ito.




