BAGUIO CITY – Nakahanda ang outgoing mayor ng Baguio City na harapin sa proper authority at proper forum ang kasong usurpation of authority na sinabi ni Environment Undersecretary Benny Antiporda na ipinila laban dito.
Gayunman, sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Baguio Mayor Mauricio Domogan na agad na-media ito ngunit hindi pa niya alam kung naipila na o hindi.
Aniya, wala pa siyang natatanggap na kopya ng nasabing kaso na nag-ugat umano sa pagkabigo niyang protektahan ang mga punong kahoy sa lungsod.
Iginiit niya na sa sa Local Government Code ay may otoridad ang alkalde na magpirma ng tree-cutting permit kung ang punong kahoy ay delikado banta sa buhay. at mga ar-arian.
Dinagdag niya na hindi niya pwerdeng pimahan ang tree cutin permit kung hindi kompeleto ang lahat ng mga kinakailangang dokumento at sumusunod lamang ito sa proseso.
Partikular na pinuna niya ang DENR dahil sa pagpublize sa kaso sa media na hindi naman niiya alam kung naipila at hindi pa sitya nabigyan ng pagkakataon na magpaliwanag.
Hiniling niya na bigyan siya ng pagkakataon na nagpaliwanag sa tamang forum.