BAGUIO CITY—Naging emosyonal ang top 1 ng MABALASIK (Mandirigma ng Bayan Lakas at Sarili Iaalay para sa Kapayapaan) Class 2019 na si Cadete 1st Class Dionne Mae Apolog Umalla mula Alilem, Ilocos Sur sa naganap na graduation rites ng Philippine Military Academy Class of 2019 sa Baguio City.
Sa valedictory address ni Cadete 1st Class Apolog, nagpasalamat siya suporta ng kanyang ina, at mga kapwa niya kadete.
Nagpasalamat din siya sa presensya ni President Rodrigo Duterte, Vice President Leni Robredo gayundin si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Benjamin Madrigal Jr., mga commanders ng major services ng AFP, si Secretary of National Defense Delfin Lorenzana at iba pa.
Ibinahagi ni Apolog na mula pa noong elementarya ay gusto niyang maging isang Doctor at Guro pero lahat ng ito ay nawala at hindi natupad.
Sinabi niya na sinunod niya ang gusto ng kanyang ina na isang retired teacher at hanggang dalawang taon lang sa kursong medical technology.
Pinilit ng kanyang ina na pumasok sa Philippine Military Academy at wala siyang nagawa kundi sundin ito dahil sa hirap ng buhay.
Aniya, ito ay para sa kanyang pamilya at mga kapatid niya kayat minahal niya ang manatili sa PMA.
Dagdag niya na sa apat na taon niya sa akademya, napagdaanan niya na hindi kumain, mahigpit na training at iba pa.
Inisip niya na hindi lang siya nag-iisa sa nadaanan niyang hirap dahil lumapit sa Diyos.