Aaabot na sa humigit-kumulang 370,000 undocumented Filipinos a naitala sa Estados Unidos.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Delfrado Villanueva Jr., Bombo International News Correspondent sa California sa Amerika, sinabi niyang 25,000 na Pilipino na ang na-deport mula Oktubre 1, 2024 hanggang Enero 18, ng kasalukuyang taon.
Ayon kay Villanueva, unang nang sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na animnapu hanggang walumpung mga Pilipino ang posibleng ma-deport matapos arestuhin ng mga tauhan ng United States Immigration and Customs Enforcement (ICE).
Ani Villanueva, nasa pitumpung mga Pilipino ang nasa kustodiya ng Immigration and Customs Enforcement (ICE). Posible rin aniyang madeport ang mga ito para sa mga kaso tulad ng misrepresentation, paglabag sa visa condition, TNT o “Tago ng Tago” at iba pa.
Ayon kay Villanueva, madaling matukoy ng mga tauhan ng Immigration and Customs Enforcement ang mga undocumented immigrant dahil sa teknolohiyang ginagamit nila.
Kaugnay nito, sinabi ni Villanueva na mahigpit na ngayon ang tanggapan ng United States Immigration, para aniya, matupad ang pangako ni United States President Donald Trump.
Sinabi kase ni United States President Trump sa kanyang kampanya na iniiwasan niya ang “illegal immigrants” pati na rin ang mga kriminal na pumunta sa United States para magtago.
Gayunpaman, ang mga indibidual na pinoproseso pa lang ang kanilang mga papeles ay naisasali dahil ang lahat ng kanilang mga dokumento ay sinusuri ng maigi.
Samantala, isang hamon para sa mga undocumented Filipino na magpadala ng pera sa kanilang mga pamilya o kamag-anak dahil kailangan ng Social Security Number.
Pero ayon kay Villanueva Jr., ipinapadala nila ang pera sa tulong ng mga Filipino legal immigrants sa United States.
Ani ni Villanueva, may iba pang mga Pilipino na nag-aalok ng tulong para sa mga “illegal immigrants” ngunit maaaring isama sila sa sandaling matuklasan ng mga awtoridad.