
Humingi na ng paumanhin si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa Muslim Community tungkol sa paggamit niya ng salitang “moro-moro.”
Sa interview ng Bombo Radyo kay Mayor Magalong, sinabi niyang napagtanto niya na may cultural sensitivity ang nasabing salita at hindi niya ito sinasadyang hindi respetuhin.
Aniya, karaniwan na kaseng termino ang salitang moro moro na ginagamit gaya kung nakikipagbiruan kung kaya ito ang salitang ginamit niya laban sa mga maanomalyang flood control projects.
Pero paliwanag niya, hindi iti kabawasan sa pagtugon niya sa mga katiwalian.
Maipapaalalng nanawagan si House Deputy Speaker Yasser Balindong kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong na humingi ng paumanhin sa mga Moro matapos ilarawan ang planong imbestigasyon ng Kamara sa flood control projects bilang “moro-moro”.
Ayon kay Balindong, bagama’t pinapayagan sa isang demokrasya ang magkakaibang opinyon, hindi dapat ito humantong sa paninira ng dignidad ng kultura at kasaysayan.
Maaari naman aniyang kuwestyunin ni Magalong ang anumang usapin ngunit hindi katanggap-tanggap na gamitin ang salitang moro-moro para sa kababawan.
Giit ng House leader, dapat magpakumbaba ang alkalde at bawiin na ang kanyang mga sinabi dahil bilang leader ay inaasahan sa kanya ang pagpapakita ng respeto at pag-iisip nang maayos.
Sapat na umano ang paghingi ng tawad hindi lamang sa Kamara kundi pati sa Moro people na ang pamana ay lubhang ininsulto.
Samantala, iginiit ni Mayor Magalong na hindi siya magso-sorry sa mga kongresista na tinamaan ng kanyang statement tungkol sa maanomalyang flood control projects.
Aniya, dapat sila ang mag-sorry dahil sila ang binabanggit ng pangulo sa SONA nito na “mahiya naman kayo.”
Sinabi pa ni Magalong na bakit umano iniiba ang narrative o inalalayo ang sisi at ipinapasa sa kanyan.