--Ads--

BAGUIO CITY – Isang pinaghihinalaang mataas na personalidad ng Communist Terrorist Group (CTG) na may patong sa ulo na โ‚ฑ2.2 milyon ang naaresto sa isinagawang joint operation ng pulisya at militar sa Barangay Zamora, Baguio City.

Ayon sa ulat ng Baguio City Police Office, ang hindi na pinangalanang suspek ay nahaharap sa siyam (9) na bilang ng kasong murder, limang (5) bilang ng attempted murder, at isang (1) frustrated murder.

Siya ay kabilang sa listahan ng Department of National Defense (DND) at Department of the Interior and Local Government (DILG) Joint Order on Rewards at nakalista rin sa Periodic Status Report on Threat Groups (PSRTG) para sa ikalawang kwarter ng 2025.

Ang matagumpay na operasyon ay pinangunahan ng Criminal Investigation Unitโ€“Baguio City Police Office (CIU-BCPO) sa pakikipagtulungan ng Regional Intelligence Divisionโ€“PRO-CAR, CIDG Baguio CFU, RIU-14, Kalinga PPO, BCPO SWAT, City Mobile Force Company (CMFC), RMFB-15, at ilang yunit ng Philippine Army.

Batay sa imbestigasyon, nag-ugat ang operasyon sa isang kumpirmadong impormasyon mula sa Army Intelligence Unit na nagturo sa kinaroroonan ng suspek.

Sa kasalukuyan, ang akusado ay nasa kustodiya ng Regional Intelligence Division (RID) ng Police Regional Officeโ€“Cordillera (PRO-CAR) para sa dokumentasyon bago isailalim sa tamang proseso at dalhin sa hukuman para sa kaukulang disposisyon.