--Ads--

Nakapagtala ang City Health Services Office nang apat na kaso ng firecracker related injuries sa Baguio City noong Disyembre 21-22, 2025 at Enero 1, 2026.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Dr. Celia Flor Brilliantes, Head ng City Health Services Office sinabi niya na ang mga biktima ay nasa edad 12, 11, 25 at 45 years old.

Ang nakuhang firecracker na naka-disgrasya sa batang 11 anyos ay five star habang ang tatlo naman ay hindi pa nila malaman kung anong klase ng firecrackers ang nakadisgrasya sa kanila.

Galing ang mga naapektuhan sa barangay Irisan at isa sa Lower Dagsian, Baguio City.

Dagdag pa niya, mabuti na nagbigay ng paalala si Mayor Benjamin Magalong na bawal ang paggamit sa lungsod ng anumang klase ng paputok.

Binanggit ni Brilliantes na bumababa ang kaso ng firecrackers related injuries sa lungsod dahil mula sa 12 na kaso sa mga nakaraang taon ay bumaba ito sa walo hanggang apat na kaso.

Aniya, dapat mas maging aktibo ang mga barangay para bigyan ng babala ang mga gumagamit ng paputok na kailangan nilang kumuha ng permit sa City Mayor’s Office. Kinakailangang busisihing mabuti kung anong klase ng fireworks ang gagamitin nang bawat organisasyon upang makaiwas sa mga sakit gaya ng respiratory illness.

Hinikayat naman ng naturang opisyal ang mga residente na nasugatan dahil sa paputok na pumunta sa pinakamalapit na ospital upang agad silang mabigyan ng lunas gaya ng anti-tetanus toxoid. //Bombo Jay-Ann Gabrielo