--Ads--

Ipinahayag ni KM Ngayon Na Party-list Representative Kenneth Tereng na hindi lahat ng mga party-list representative ay sangkot sa korapsyon.

Ayon sa kanya, mayroon pa ring mga party-list organization na nananatiling produktibo at nakapagpasa ng maraming panukalang batas na nakatutulong sa komunidad.

Dagdag pa ni Tereng, hindi umano kinakailangang i-abolish ang buong party-list system. Paliwanag niya, alinsunod sa batas, 20 porsiyento ng mga kinatawan sa Mababang Kapulungan ay dapat na binubuo ng mga party-list representative.

Sa halip na buwagin ang sistema, iginiit niya na mas mainam na palakasin ang party-list system, partikular sa mas mahigpit na pagpili at pagsusuri ng mga nominado.

Sinabi rin ng opisyal na nararapat bigyan ng buong awtoridad ang Commission on Elections (Comelec) upang masuri at ma-access ang mga party-list organization at matiyak ang kanilang kredibilidad. | via Bombo Noveh Organo