--Ads--
Ipinaalam ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na na-hack ang kanyang mobile number.
Binalaan niya ang publiko na maging mapagmatyag, lalo na kung makakatanggap sila ng mga mensaheng nagsasabing galing sa kanya.
Idinagdag niya na hindi dapat basta-basta magbibigay ang publiko ng kanilang personal na impormasyon upang maiwasan ang ganitong uri ng pag-hack.
Sinabi rin ni Mayor Magalong na gumagawa na ang Pamahalaang Lungsod ng mga kaukulang hakbang upang maresolba ang insidenteng ito. | via Bombo Karen Sapirao











