Idineklara ng John Hay Management Corporation sa Baguio City na ligtas ang lugar para sa mga residente at turista, kasunod ng insidente noong Enero 16 na ikinamatay ng isang senior citizen at ikinasugat ng anim pang indibidwal, na inilarawan bilang isang “isolated case.”
Sa panayam ng Bombo Radyo kenni John Hay Management Corporation President Manjit Singh Reandi, isinagawa nila ang inspeksyon sa pangkalahatang kondisyon ng Camp John Hay upang matukoy ang mga lugar na nangangailangan ng pagsasaayos upang mapanatili ang kaligtasan at seguridad ng mga bisita.
Aniya, palalawigin din ang mga tinukoy na “critical walkways” at “sideways,” magtatayo ng karagdagang railings sa loob ng lugar, at maglalagay ng pedestrian lanes para sa kaligtasan at kaginhawaan ng mga residente at turista na bumibisita sa kampo.










