--Ads--

Naitala ngayong araw ang pinakamababang temperatura sa lungsod ng Baguio.

Naramdaman ng mga residente at bisita ang matinding lamig, kung saan, ayon sa tala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), umabot sa 11 degrees Celsius ang temperatura kaninang alas-5 ng umaga.

Ito ang pinakamalamig na temperatura ngayong taon, kasunod ng 13.2°C na naitala noong Enero 21, 2026.

Patuloy namang nagpapaalala ang mga awtoridad sa publiko na panatilihing mainit ang katawan upang maiwasan ang mga sakit na kaugnay ng malamig na panahon.

Karaniwang nararanasan ang malamig na temperatura sa Baguio mula Disyembre hanggang Pebrero o unang bahagi ng Marso.

Maipapaalala rin na ang pinakamababang temperatura sa lungsod ay naitala noong Disyembre 18, 1961, na umabot sa 6.3°C.