--Ads--

Tinanggal ng Commission on Elections (COMELEC) Baguio ang mahigit 15,000 botante dahil sa “failure to vote” sa dalawang magkasunod na halalan.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Atty. John Paul Martin, Election Officer ng COMELEC Baguio, na kabilang sa mga tinanggal sa talaan ng botante ang mga nabigong bumoto noong 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at 2025 National and Local Elections.

Ayon kay Atty. Martin, target ng COMELEC Baguio na makapagrehistro ng humigit-kumulang 15,000 hanggang 20,000 indibidwal sa buwan ng Mayo.

Samantala, nakatakdang ipatupad sa Pebrero ang on-site voter registration para sa mga senior citizen sa pakikipag-ugnayan sa National Commission of Senior Citizens (NCSC).

Ipapatupad din sa susunod na buwan ang on-site registration para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL), na inaasahang isasabay sa pagdiriwang ng PDL Week sa Pebrero.

Dagdag pa ni Atty. Martin, makikipag-ugnayan din ang COMELEC Baguio sa Baguio City Hall at sa Persons with Disability Affairs Office (PDAO) para sa on-site voter registration ng mga Persons with Disabilities (PWDs). | via Bombo Marielle Apat