--Ads--

Nagpaalala ang mga eksperto sa kalusugan sa publiko ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalusugan sa panahon ng malamig na klima.

Ayon sa forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahang makakaranas ng mas malamig na panahon sa mga susunod na araw at linggo dulot ng patuloy na pag-iral ng Amihan.

Dahil dito, mahalagang magsuot ng makakapal na kasuotan tulad ng jacket, sweater, bonnet, bandana, sombrero, guwantes, medyas, at iba pang damit na nagbibigay-proteksyon laban sa malamig na klima.

Inirerekomenda rin na magsuot ng mga naturang kasuotan lalo na tuwing umaga at gabi, at gumamit ng kumot sa hapon at gabi upang mapanatili ang init ng katawan.

Pinapayuhan din ng mga propesyonal sa kalusugan ang publiko na mag-ehersisyo nang regular at kumain ng masusustansyang pagkain upang mapalakas ang immune system.

Sa kasalukuyan, ang average na temperaturang nararanasan sa Baguio City at Benguet ay nasa 10 hanggang 13 degrees Celsius at posibleng bumaba pa ito sa mga susunod na linggo ng Pebrero.