Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)–Mountain Province na magpapatuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng Supplementary Feeding Program para sa mga daycare pupils.
Ngayong taon, sisimulan ng mga kawani ng nasabing ahensya ang pamamahagi ng mga kagamitang pangluto sa iba’t ibang Child Development Centers upang magamit sa paghahanda ng masusustansyang pagkain para sa mga mag-aaral na benepisyaryo.
Aabot sa kabuuang 300 kaldero at 300 kawali ang nakatakdang ipamahagi sa mga daycare center sa iba’t ibang barangay sa Mountain Province.
Layunin ng Supplementary Feeding Program na mapabuti at mapanatili ang nutrisyon ng mga batang naka-enroll sa Child Development Centers.
Noong nakaraang taon, tinatayang 4,600 mag-aaral sa Mountain Province ang naging benepisyaryo ng nasabing programa.





