Umaasa ang mga magsasaka sa Barangay Gambang, Bakun, Benguet na madaragdagan ang kanilang ani ng gulay kasabay ng pagpapabuti ng kanilang sistema ng irigasyon sa pamamagitan ng pagkakabit ng Yugo–Gambang Communal Irrigation System (CIS).
Nauna nang iniabot ng National Irrigation Administration (NIA) ang nasabing irrigation system sa mga miyembro ng Yugo–Labilab Irrigators’ Association na pinangungunahan ni Agustin Patic-a.
Ang Yugo–Gambang CIS ay may kabuuang service area na 17.5 ektarya at inaasahang pakikinabangan ng mahigit isang daang magsasaka.
May kabuuang contract cost na ₱7.867 milyon ang proyekto na kinabibilangan ng 12 reservoir tanks, isang pumphouse, pagkukumpuni at pag-install ng 16-horsepower pump na may diesel engine, at humigit-kumulang 17,360 linear meters ng pipeline.
Ayon sa National Irrigation Administration, malaking tulong ang proyekto sa mga nagtatanim ng gulay, lalo na ng mga high-value crops, maging sa panahon ng tag-init.









