--Ads--

Ipinahayag ni Florentino Dayno, lider ng isang anti-mining group, na patuloy nilang binabarikada ang Dupax Del Norte, Nueva Vizcaya, upang pigilan ang pagpasok ng mga sasakyan at manggagawa ng Woggle Corporation.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Daynos, ibinalik nila ang mga barikada na winasak at tinanggal ng mga pulis noong nakaraang Biyernes. Dagdag pa niya, sa kasalukuyan ay mayroon silang 24/7 na mahigpit na seguridad upang matiyak na walang sasakyan o tauhan ng kumpanya ang makakapasok sa lugar.

Aniya, ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy nilang pagkilos upang ipagtanggol ang komunidad at ang kanilang teritoryo laban sa inilatag na proyekto ng Woggle Corporation, na kanilang itinuturing na mapanganib sa kalikasan at kabuhayan ng lokal na mamamayan. | via Bombo Karen Sapirao