--Ads--

Nanumpa ang mga bagong opisyal ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) – Baguio Benguet Chapter sa isang seremonya sa Baguio City kahapon.

Pinangunahan ni PIA-Cordillera Regional Head Jayson Leguiab ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyal.

Sa bagong linya ng pamunuan:

  • Rene Sales – Chairperson
  • Wingard Tiburcio – Vice Chairperson
  • Jorton Campana – Kalihim
  • Letlet dela Cruz – Ingat-yaman
  • Stephenson Querubin – Auditor
  • Erickson Ferrer – Standards Authority

Biniyayaan din ni Leguiab ang mga opisyal at nangako ng suporta ng PIA sa broadcast media sa Baguio City at Benguet Province.

Ang mga bagong opisyal ay magsisilbi sa kanilang tungkulin mula 2026 hanggang 2028.