--Ads--
Kinilala ang Pamahalaang Munisipyo ng La Trinidad bilang Best LGU sa Municipal Level sa ginanap na Philippine National Police (PNP) Day kahapon sa Quezon City.
Pormal na tinanggap nina Mayor Roderick Awingan at LT Police Chief Zacarias Dausen ang parangal mula kay Executive Secretary Ralph Recto at PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr.
Ayon sa PNP, ang pagkilala ay bunga ng taos-pusong suporta ng munisipyo sa mga proactive na hakbangin ng PNP upang matiyak ang kaligtasan at proteksyon ng mga residente ng La Trinidad.











