--Ads--

Naitala ang ikalawang sunog sa kagubatan sa Mt. Posdo, Mankayan, Benguet, noong Pebrero 4, 2026.

Sumiklab ang apoy partikular sa Manpey-as, Barangay Bulalacao, at kumalat sa forest area ng Barangay Guinaoang, ayon sa mga awtoridad.

Ang unang sunog naman ay naitala noong Lunes sa Camantokob, Guinaoang.

Kasalukuyang nagsasagawa ng serye ng hakbang ang Bureau of Fire Protection (BFP) upang maiwasan ang katulad na insidente.