Maraming heavy users ng artificial intelligence ang nakararanas ng tinatawag na “AI brain fry,” o labis na pagod sa utak dahil sa sobrang paggamit at pagbabantay sa AI tools.
Ayon sa Boston Consulting Group, ang mga user ay kadalasang nahihirapang pamahalaan ang maraming AI assistants, code, at mahahabang prompts, na nagdudulot ng mental exhaustion. Para sa mga software developer, mas lalo itong matindi dahil kailangan nilang suriin nang maigi ang AI-generated code na mas delikado kaysa sa gawa ng tao.
Bagama’t nakakabawas sa burnout ang AI sa mga paulit-ulit na trabaho, nagbabala ang eksperto na ang labis na paggamit nito ay maaaring magdulot ng iritabilidad, pagkaubos ng dopamine, at kawalan ng balanseng buhay.
Inirerekomenda ng BCG na magtakda ang mga kumpanya ng malinaw na limitasyon sa paggamit at pagbabantay sa AI upang maprotektahan ang mental health ng empleyado.





