--Ads--

Ninakaw ng hindi pa nakikilalang suspek ang dalawang baterya ng isang sasakyan sa Dominican Mirador, Baguio City.
Ayon kay Luvimin Aquinor Sr., nakaparada ang kanyang sasakyan sa isang pribadong lote nang mangyari ang insidente.
Dagdag pa niya, hindi lamang baterya ang tinangay ng suspek dahil pati gasolina ng kanyang sasakyan ay ninakaw din.
Inihayag din niya na hindi ito ang unang pagkakataon na siya ay nanakawan, dahil noong Agosto 30, 2025 ay naitala rin ang kaparehong insidente kung saan ninakaw ang baterya, tools, at gasolina ng kanyang sasakyan.
Samantala, nadiskubre niya ang mga nawawalang gamit noong Abril 27, 2026.







