--Ads--

BAGUIO CITY-Laking pasasalamat ngayon ng topnotcher sa Mandirigmang May Dangal Simbolo ng Galing at Pagbangon o MADASIGON class of 2023 ng Philippine Military Academy o PMA.

Si CDT 1CL Warren Leonor ang nanguna sa Philippine Military Academy graduating class ngayong taon.

Siya ay tubong Batangas at ang kanyang tatay ay retiradong sundalo habang ang kanyang ina ay isang housewife.

Ang dalawamput dalawang taong gulang na kadete ay magsisilbi sa Philippine Airforce.

Salutatatorian naman klase si CDT 1CL Edmundo Logronio mula sa probinsya ng Albay na anak ng magsasaka.

Narito naman ang iba pang kasama sa top 10 ng MADASIGON Class 2023;

RANK 3: CDT 1CL Nicole Sarmiento – Butuan City, Agusan del Norte
RANK 4: CDT 1CL Zhen Cayton – Nueva Vizcaya
RANK 5: CDT 1CL Rez Mark Cantor – Pangasinan
RANK 6: CDT 1CL Rojan Macario – Zamboanga City
RANK 7: CDT 1CL Samuel Banac – Quezon City
RANK 8: CDT 1CL Kimberly Kate Awingan – Sabangan, Mt. Province
RANK 9: CDT 1CL Rico Jay Fernandez – Zamboanga del Sur
RANK 10: CDT 1CL Arla Krish Bahingawan – Kiangan Ifugao

Samantala aabot sa Tatlóng daán at labíng-isá ang bubuo sa 2023 Philippine Military Academy class.

Mula sa nasabing bilang dalawang daan tatlumput syam ang mga lalaki at pitumput dalawa naman ang mga babae.

Isáng daán at limáng pû’t waló ang sasali sa hanay ng Philippine Army, pitumpu’t anim ang papasok sa Philippine Airforce at pitumput pito ang sasali sa Philippine Navy.

Sa mensahe ni PMA Superintendent LtGen. Rowen Tolentino, sinabi nito na pinakita ng mga kadete ang kanilang pagpupursige upang makamit ang kanilang pangarap na magsilbi sa bansa.

Kaugnay nito, sinabi ni CDT 1CL Warren Leonor na laking inspirasyon niya ang kanyang mga magulang.

Ayon pa sa kanya, gagamitin niya sa pagsisilbi sa bayan ang natutunan niya sa loob ng Philippine Military Academy.

Ang graduation ceremony ay gaganapin sa Philippine Military Academy Fort General Gregogorio Del Pilar Baguio City sa May 21 ngayong taon.