--Ads--

Ikinuwento ni Florentino Daynos, lider ng isang anti-mining group, ang pagkakaaresto sa kanya at sa kanyang mga kasamahan noong Enero 23, kung saan pinosasan din siya ng mga pulis.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Daynos na nasa 300 pulis ang naroroon nang sapilitang tanggalin ang mga barikada ng mga demonstrador. Ayon sa kanya, ilan sa kanyang mga kasamahan ay nahimatay, dinala sa ospital, at diretsong isinailalim sa kulungan.

Aniya, hinarang nila ang pagpasok ng mga tubo na gagamitin sana sa pagpapalalim ng pagbabarena ng Woogle Corporation. Plano ng kumpanya na palalimin ang pagbabarena mula 300 metro hanggang 600 metro, ngunit hindi ito nagawa dahil sa sagabal ng mga demonstrador. Sinubukan ding i-escort ng pulisya ang mga sasakyan ng kumpanya upang maipadala ang tubo, ngunit nabigo rin ito.

Napusasan si Daynos noong araw ng protesta habang nakaharang sa pagpasok ng mga sasakyang maghahatid ng tubo. Kasama niya ang anim pang kasamahan ay kinasuhan ng resistance, disobedience, obstruction, at direct assault, na mariing itinanggi niya.

Dahil sa kakulangan ng ebidensya, ibinasura ng korte ang lahat ng kaso laban sa kanila. Ayon kay Daynos, ang agresibong aksyon ng pulisya ay isang anyo ng harassment laban sa mga aktibistang kumokondena sa drilling activity sa lugar. | via Bombo Karen Sapirao