BAGUIO CITY – Inaasahang maidedeklara bilang drug free ang apat na munisipyo ng Mt Province.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Cordillera, nabigyan ng clearance ang munisipyo ng Sabangan, Sadanga, Besao at Barlig para sa kanilang aplikasyon sa drug free municipality.
Sa kabilang dako, iniulat naman ng Mt. Province Police Provincial Office ang kaso ng iligal na droga sa nasabing probinsiya mula 2019 hanggang sa kasalukuyan.
Aabot sa 535 na katao ang sumuko, 450 sa kanila ay isinailalim sa Recovery and Wellness Program.
Karamihan sa mga surrenderees ay mula Bauko at Paracelis.
Ayon pa sa Mt Province Police Provincial Office, 88% sa mga surrenderees ang gumamit ng shabu habang 12% naman ang gumamit ng marijuana.
Dahil nananatiling transshipment point ang Mt Province, napagpasyahan ng mga otoridad na maglagay ng drug abuse signages sa mga kalsada.