--Ads--

Naninindigan pa rin si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa una niyang pahayag na may mga kongresista umanong sangkot sa korapsyon.

Ito ay kasunod ng sinabi ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na may animnapu’t pitong kongresista na nagsisilbi rin bilang mga kontraktor.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Mayor Magalong na karamihan sa mga nabanggit na kongresista ay naging kontraktor na bago pa sila maupo sa posisyon. Mayroon din, aniya, na naging kontraktor lamang matapos maluklok sa puwesto at nakakuha ng mga proyekto ng gobyerno.

Idinagdag pa niya na ginagamit umano ng ilang kongresista ang pangalan ng kanilang asawa, anak, o kamag-anak para sa kontrata, ngunit sa likod nito, sila pa rin ang tunay na kontraktor. Dahil dito, pabirong sinabi ni Mayor Magalong na tila isa nang “qualification” para maging kongresista ang pagiging kontraktor.

Ayon pa kay Magalong, posible ring ang ilan sa mga kongresistang sangkot sa paggamit ng pekeng kontraktor ay wala na sa kasalukuyang 20th Congress, dahil posibleng napagod na ang taumbayan sa pagbabalik sa kanila sa Kamara.

Dagdag pa ng alkalde, dapat walang porsyento o “kickback” na nakukuha ang mga politiko mula sa mga proyekto ng gobyerno—at ito, aniya, ang dapat gawing pamantayan.

Paliwanag ni Magalong, normal lang na may mga proyektong tumatagal, nade-delay, o nateterminate, ngunit ang mahalaga, kapag natapos, ay dekalidad ang pagkakagawa at walang politiko ang kumita mula rito.

Samantala, nakahanda umano si Mayor Magalong na magpakita ng ebidensya sakaling magkaroon ng imbestigasyon. Ngunit, giit niya, hindi dapat mga kongresista ang magsilbing investigating body, kundi isang third party na papangunahan ng mga refutable at credible na indibidwal—mga tunay na imbestigador at abogado.

Samantala, nagpasaring din si Mayor Magalong sa ilang kongresista na pumalakpak nang marinig ang katagang “Mahiya naman kayo” sa ika-apat na State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dahil aniya, sila mismo ang tinutukoy ng pangulo.

Kaugnay nito, natanung naman ang kampanya ni Mayor Magalong laban sa korupsyon sa lungsod ng Baguio at inihayag niya ang good governance.

Aniya, sinisiguro niya ang transparency sa procurement at bidding process lalong lalo na sa mga infrastracture project