**Mayor Benjamin Magalong for story t0706luz3 ** JULY 5, 2023 Baguio City Mayor Benjamin Magalong PHOTO BY NEIL CLARK ONGCHANGCO
--Ads--

Tinawanan na lamang ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang tanong hinggil sa kumakalat na impormasyon na siya umano ang magiging ka-tandem ni Vice President Sara Duterte sa 2028 elections.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo, sinabi ng alkalde na hindi niya minamanifest ang pagtakbo sa isang nasyonal na posisyon sa 2028. Ayon sa kanya, maganda umanong maikonsidera, ngunit sa ngayon ay nakatuon siya sa kanyang tungkulin bilang alkalde at sa kanyang adbokasiya ng good governance laban sa korapsyon.

Dagdag pa niya, hindi pa niya pinag-iisipan ang pagtakbo sa anumang national position.

Nang tanungin kung ano ang kanyang magiging tugon sakaling ialok sa kanya ang pagiging bise presidente, sandali umano siyang natahimik at walang ibinigay na pahayag.

Sinabi rin niya na posibleng nakikita ng ilang Pilipino ang kanyang passion para sa good governance kaya siya kinokonsidera ng ilan.

Samantala, ipinaliwanag din niya na nagtrabaho lamang siya sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang contact tracing czar noong panahon ng pandemya, gayundin bilang Chief Deputy for Operations ng Philippine National Police.

Ayon sa kanya, ginawa lamang niya ang kanyang trabaho at hindi siya “nagpasipsip.”

Ito ay matapos siyang matanong kung totoo bang malapit siya sa pamilya Duterte.

Idinagdag pa niya na maituturing umano siyang “close” kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Gayunman, wala umano siyang naging pagkakataon na makasama si Vice President Sara Duterte maliban sa ilang engagement na kanilang nadaluhan, at kadalasan ay sandali lamang ang mga ito.

Wala rin umano silang naging one-on-one na pag-uusap.