--Ads--

BAGUIO CITY – Nakilala ang Baguio City Police Office (BCPO) bilang Outstanding City Police Office sa buong Pilipinas sa pagtatapos ng 23rd Police Community Relations Month 2018.

Sinabi ni City Director Police Senior Supt. Ramil Saculles na marami silang isinumiting accomplishments sa validation ng nasabing parangal.

Ipinagmalaki niya ang matagumpay na programa at proyekto ng Police Community Relations Unit ng BCPO na kinabibilangan ng mga community development projects at police information operations.

Nagpasalamat si Saculles sa mga pulis at sa publiko dahil sa kanilang pakikiisa na nagresulta sa pagkakakilanlan ng Baguio City PNP.

Kinilala din ang himpilan ng Baguio City PNP bilang Best City Police Office sa Regional Level ng PCR Month 2018.