Arestado ang isang 28-anyos na Street Level Individual, online seller at residente ng Baguio City, sa isinagawang buy-bust operation sa Rimando Tabora, Baguio City.
Nagresulta ang operasyon sa pagkakasamsam ng isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit-kumulang 4.1 gramo at may Standard Drug Price (SDP) na P33,300.
Nakuha rin sa suspek ang isang cellphone, isang genuine na P500 bill, walong piraso ng P1,000 boodle money, at isang piraso ng papel.
Matagumpay na isinagawa ang operasyon ng BCPO-Police Station 10 (Lead Unit), City Intelligence Team (CIT-Baguio), Regional Intelligence Unit-14, City Intelligence Unit-PS 2, at PDEA Cordillera.
Naihain na ang mga kinakailangang dokumento laban sa suspek, na nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | via Bombo Noveh Organo











