--Ads--

BAGUIO CITY – Rinirespeto ng Baguio City Police Office (BCPO) ang naging desisyon ng Baguio City Prosecutor’s Office ukol sa mga reklamo na naisampa laban sa mga responsable sa pagmamaltrato at paghazing kay late Philippine Military Academy (PMA) Cadet 4th Class Darwin Dormitorio.

Naniniwala ang BCPO sa pamumuno ni PCol. Allen Rae Co na ito ang sunod na logical step sa kampanya para tuluyang makamit ang hustisya para sa nasawing kadete.

Sa ngayon, hinihintay na lamang ng BCPO ang sunod na hakbang mula sa kaukulang korte.

Dinagdag niya na sakaling may ilalabas ng warrant of arrest ang piskalya laban sa mga responsable ay nakahanda ang pulisya na isilbi ito.

ANG TINIG NI PCol. Allen Rae Co

Samantala, tinatanggap ng pamunuan ng PMA ang naging desisyon ng piskalya sa mga kasong isinampa laban sa mga responsable sa paghazing kay Dormitorio.

Ani Capt. Cheryl Tindog, tagapagsalita ng akademya, malaki ang tiwala nila sa sistema ng hustisya dito sa bansa at umaasa silang sa pinakamadaling panahon ay tuluyan ng makakamit ang hustisya para sa nasawing kadete.

Patuloy aniyang sinusuportahan ng PMA ang kaso at tutupad sila sa anomang kautusan ng piskalya gaya ng pagharap nila sa korte para magtestigo o magsumiti ng dokumento.

Dinagdag nito na patuloy din ang pagpapatupad ng PMA ng mga kaukulang reporma at intervention para maiwasan ang kaparehong insidente at mawakasan na ang anomang paglabag sa mga alituntunin ng akademya para mabigyan ng mas mabuting institusyon at PMA ang mga kabataan.