--Ads--

Nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Super Typhoon Inday at huling namataan sa silangan ng Northern Luzon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Baguio kay Kathleen Labangco, weather specialist sa Baguio-Benguet, itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes, Cagayan, Babuyan Group of Islands, Apayao, silangang bahagi ng Kalinga, hilagang bahagi ng Aurora, at hilaga at gitnang bahagi ng Catanduanes.

Gayunpaman, mababa ang posibilidad na direktang mag-landfall sa Pilipinas ang naturang bagyo.

Nagpaalala naman si Labangco na maaaring mag-enhance ang bagyo sa Southwest Monsoon o Habagat na maaaring magdulot ng malalakas na ulan at hangin sa ilang lugar. Hinimok niya ang publiko na patuloy na subaybayan ang weather advisories ng PAGASA at mga lokal na awtoridad.

Samantala, inaasahang lalabas ang Bagyong Inday sa PAR sa Sabado, Hulyo 11, 2026. | via Bombo Khey Reparip