--Ads--

Walang naitalang blotter o anumang reklamo ang Station 10, dahilan upang manatiling malinis ang rekord ng kanilang tanggapan.

Ayon sa nakausap ng Bombo Radyo na kapulisan, ang kanilang istasyon ay may tatlong (3) mobile patrol na nagsasagawa ng pagpapatrolya mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi. Bawat mobile patrol ay binubuo ng tig-dadalawang tauhan na may kanya-kanyang itinalagang lugar na binabantayan.

Sakop ng Station 10 ang anim (6) na barangay, kabilang ang Sto. Tomas Central, Sto. Tomas Proper, Dontogan, SLU SVP, Bakakeng Central, at Bakakeng Norte/Sur.

Sa kanilang regular na pagroronda, kadalasang nae-encounter ng mga pulis ang mga insidenteng may kinalaman sa pag-iinuman. Gayunpaman, agad naman itong nareresolba sa pamamagitan ng maayos na pakikipag-usap. Sa ilang pagkakataon na hindi agad naiuulat ang insidente, ang mga mamamayang naroroon na mismo ang siyang tumutulong sa pag-aayos at paglutas ng sigalot.

Patuloy na napapanatili ng Station 10 ang malinis nitong rekord sa pamamagitan ng regular at masinsinang pagpapatrolya sa kanilang nasasakupan.

Ang pagpapatrolya ng kapulisan ay isang pangunahing operasyon ng Philippine National Police na naglalayong mapanatili ang kapayapaan at kaayusan, maiwasan ang kriminalidad, at matiyak ang kaligtasan ng mamamayan sa komunidad.| via Bombo Jay-an Gabrillo