CABARROGUIS, Quirino — Dinala ang isang bedridden na ama mula sa kanilang tahanan sa kabundukan papunta sa pay-out center sa Dibibi, Cabarroguis, Quirino gamit ang lokal na transportasyon na tinatawag na “patuki” o “pasagad,” upang makakuha ng ayuda.
Ayon sa viral post ni Roldan Elacio Pelerio, anak ng benepisyaryo, nakasaad na dahil lamang sa magpe-pay out, wala umanong interes ang hindi na nabanggit na ahensya na mag-door-to-door payout, kahit pa bedridden ang benepisyaryo.
Inihayag din niya ang kanyang pagkadismaya at sinabi nitong “wala siyang gana” na nasusuwelduhan ang hindi na nabanggit na mga personnel ng ahensya.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Baguio, sinabi ni Pelerio na tinatayang humigit-kumulang isang oras ang biyahe papunta sa pay-out center, na nakadepende sa bilis ng galaw ng kalabaw. Ani niya, ang ama niya ang nasa “patuki.”
Nang tanungin ng Bombo Newsteam kung maaari makuha ang nasabing video, pumayag siya at idinagdag na totoo ang ipinakita sa video. Aniya, ipinapakita rin ito para sakaling may makakita at makatulong sa kanilang sitwasyon.
Sa kabila ng nangyari, nakapag-pay out umano ang kanyang ama.





