--Ads--

Nagbigay ng emosyonal na mensahe ang aktres na si Belle Mariano para sa longtime onscreen partner na si Donny Pangilinan at sa kanilang fans kasabay ng paggunita sa pitong taon ng DonBelle.

Sa isang video message, nagpasalamat si Belle kay Donny sa pagiging katuwang niya sa kanilang paglalakbay at sinabing bagama’t tatahakin muna nila ang kani-kanilang solo careers, hindi ito tuluyang pamamaalam kundi “see you later.”

Nagpahayag din siya ng pasasalamat sa kanilang fandom na Bubblies sa walang sawang suporta sa loob ng pitong taon at hiniling na ipagpatuloy ang pagsuporta sa kanila bilang mga indibidwal na artista.

Binigyang-diin ni Belle na ang kuwento ng DonBelle ay hindi nagtatapos kundi patuloy lamang na umuunlad. Tumugon naman si Donny sa mensahe ni Belle sa simpleng pahayag na, “This is beautiful, Tink.”

Ang pelikulang Tayo Sa Wakas ang huling proyekto nina Donny at Belle bilang love team sa ngayon bago sila tumuon sa kani-kanilang solo careers.