--Ads--

Naghahanda ng mga plano ang Benguet Electric Cooperative o Beneco upang mabawasan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa serbisyo ng kuryente.

Ayon kay BENECO General Manager na si Melchor Licoben, nagpatupad na sila ng mga hakbang tulad ng carpooling, hindi pagpapauwi ng service vehicles, at pagtitipid sa kuryente sa kanilang tanggapan.

Plano rin ng kooperatiba ang pagtatayo ng oil depot upang makatipid sa gastusin sa fuel, gayundin ang unti-unting paglipat sa e-vehicles, na target umabot sa 60% ng kanilang fleet pagsapit ng 2030.

Hinihintay din ng Beneco ang pag-apruba ng Energy Regulatory Commission sa power supply deal upang mabawasan ang pagdepende sa Wholesale Electricity Spot Market, na nagdudulot ng mataas na singil sa kuryente.

Bukod dito, balak din nilang magtayo ng sariling renewable energy projects tulad ng hydropower at solar plants para matiyak ang sapat at mas murang suplay ng kuryente.