Naobserbahan na mas mababa ang bentahan ng bulaklak nitong Enero kumpara noong Disyembre ng nakaraang taon. Gayunpaman, nananatiling halos pareho ang presyo ng mga ito.
Sa mga tindahan, ang karaniwang presyo ng bulaklak ay nagsisimula sa ₱30. Ang isang rosas ay nagkakahalaga ng ₱50, ngunit inaasahang magdodoble ang presyo sa Pebrero dahil sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso.
Kadalasang binibili ng mga customer ang Rosas at Star Gazer, na nagkakahalaga ng ₱300 hanggang ₱400 kada tatlong tangkay. Ilan rin sa mga popular na bulaklak ngayong panahon ay ang Radus at Sunflower, na ginagamit sa mga graduations at iba pang okasyon.
Bukod dito, inaalok din ng mga tindahan ang customization ng bulaklak, kung saan may karagdagang bayad depende sa uri ng bulaklak na pipiliin ng customer. | via Bombo Jay Ann Gabrillo










