--Ads--
BAGUIO CITY – Aabot na sa 71 ang mga centenarians sa iba’t ibang bahagi ng Rehiyon Cordillera.
Ayon kay Nerizza Faye Villanueva, marketing unit head ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) – Cordillera, 30 sa mga nasabing centenarians ay matatagpuan sa lalawigan ng Abra, 27 sa Mountain Province, 21 sa Benguet, 13 sa Baguio, 11 sa Ifugao, at tig-siyam sa Kalinga at Apayao.
Aniya, ang pinakamatanda ay may edad 115 at ito ay mula sa Natonin, Mountain Province.
Tiniyak naman nito na nakahanda ang P100,000 na cash gifts para sa mga nasabing centenarians maliban pa sa matatanggap nilang “letter of felicitation” mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.