--Ads--

BAGUIO CITY – Patuloy na pinapayuhan ng RDRRMC ang publiko na mag-ingat para hindi na madagdagan ang bilang ng mga namatay sa lindol sa Cordillera.

Ito ay dahil umabot na sa sampu ang namatay sa rehiyon dahil sa ibat-ibang insidente na dulot ng lindol.

Mula sa nasabing bilang, lima ang naitala sa Abra, tatlo sa Benguet, tig-isa sa Kalinga at Mt. Province.

Aabot naman sa 287 ang bilang ng mga nasugatan.

Ayon pa sa DSWD-CAR, mahigit 55,000 na pamilya o mahigit 201,000 na tao ang naapektuhan sa lindol.

Base pa sa report, 214 na kabahayan ang totally damaged at mahigit 17,000 ang partially damaged.