BAGUIO CITY – Aabot ngayon sa anim ang namatay sa Cordillera matapos itong madagdagan ng dalawa dahil sa patuloy na epekto ng malakas na lindol.
Isa dito ay naitala sa Mountain province matapos madaganan ng gumuhong lupa ang isang lalaki sa Monamon Sur, Bauko, Mountain Province habang ito ay dumadalo sa lamay alas dies kaninang umaga.
Nakilala itong si Andres Sagayo, 59 y.o. mula Pactil, Monamon Sur, Bauko Mt. Province.
Narescue at naitakbo pa ito sa pagamutan pero ideneklarang dead on arrival.
Samantala, naidagdag na rin sa listahan ng mga namatay ang isang magsasaka sa Buguias, Benguet na namatay matapos umano itong magpanic at atakehin sa puso habang nasa bukid kasunod ng malakas na lindol kahapon.
Matatandaang kabilang sa unang naitalang namatay ang isang construction worker sa La Trinidad, Benguet; isang contruction worker sa Tuba, Benguet; isang construction worker sa Kalinga at isang residente sa Abra.
Samantala aabot na rin sa 22 ang bilang ng mga sugatan sa Benguet.
Nakapagtala din ang Benguet ng bitak sa mga government buildings.
Patuloy pa rin ang ginagawang assessment ng mga autoridad tungkol sa epekto ng lindol.