--Ads--
Unti-unting tumataas ang bilang ng mga turistang bumibisita sa munisipyo ng Atok sa Benguet.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Atok Mayor Franklin Smith, dumarami na ang mga turista sa munisipyo lalo na ngayong nagsimula na ang “ber” month, hindi tulad noong mga nakaraang buwan.
Samantala, pinayuhan niya ang mga turista na manatiling maingat sa kanilang pagpunta sa munisipyo dahil “saturated” ang bundok dahil sa mga naranasang pag-ulan at mga bagyong tumama sa munisipyo.
Maipapaalalang noong nakaraang buwan lamang, inihayag ni Smith na hindi pinapayagang pumasyal sa munisipyo dahil sa masamang kondisyon ng panahon.